Saan patungo ang reproductive health bill?

PANYERO

BY JULIUS REYES

Patuloy ang paglobo ng populasyon dito sa Pilipinas.
Kasabay nito ang pagdami ng mahihirap nating mga mamamayan.
Lumalaki ang bilang ng mga nagugutom, ng mga walang tirahan, at higit sa lahat, marami nang mga bata ang hindi na nakakapag-aral.
Hindi na matustusan ng maraming mga magulang ang mga pangunahing pangangailangan ng kanilang pamilya dahil na rin sa dami ng kanilang anak.
Kung kaya naman nais ipatupad ng Kongreso ang Reproductive Health Bill 5043.
Layunin ng batas na ito na gawing over-the-counter na lang ang ang mga contraceptives tulad ng condom at birth control pills.
Nakasaad din sa batas na ito ang pagtuturo sa mga mamamayan ng mga pamamaraan sa pagpaplano ng pamilya tulad ng calendar method, Intra Uterine Device (IUD), withdrawal method at ang tungkol sa family planning sa pamamagitan ng pagtitistis tulad ng vasectomy at ng bilateral tubal ligation.
Maganda ang layunin ng pamahalaan, subalit tumututol ang simbahan sapagkat labag daw ito sa kanilang doktrina at sa turo ng Diyos.
Iginiit ng Simbahan na ang Reproductive Health Bill ay ‘anti-life’—pinipigil nito umano ang karapatang mabuhay ng isang tao.
Hindi ako pabor sa nais mangyari ng Simbahan. Kristiyano rin ako—Katoliko—kaya’t nauunawaan ko ang punto nila.
Subalit kung talagang ‘pro-life’ sila, hindi nila hahayaang mamatay sa gutom ang mga mamamayan.
Humigit-kumulang isang bilyong mga bata ang ipinapanganak sa Pilipinas sa loob ng isang taon, at karamihan sa kanila ay nanggagaling sa mahirap na sektor ng populasyon.
Ang batas na ipinapatupad ng pamahalaan ay naglalayong pigilan itong tuluy-tuloy na paglobo ng ating populasyon.
Kung magpapatuloy ang pagdami ng mga mahihirap, dagdag problema ito sa gobyerno.
Hindi naman lahat ng naghihikahos ay natutulungan ng Simbahan.
Marami sa mga mahihirap ang namamatay dahil sa gutom at sakit.
Dapat lang na ipatupad ang Reproductive Health Bill 5043.
Hindi naman siguro magagalit ang Diyos kung ipapatupad ito, dahil para rin ito sa ikabubuti ng nakararami.
Sana nga lang ay kapag nabasa ito ng Simbahan, bigyan pa rin nila ako ng komuniyon at huwag nila akong gawing ex-comunicado.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: